Ipinahayag nitong Huwebes, Setyembre 5, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang paghikayat sa mga kolehiyong agrikultural na palakasin ang edukasyong moral at paghubog sa mga talento, para mapasulong ang pag-unlad ng agrikultura ng bansa.
Diin ni Xi, hindi maisasakatuparan ang modernisasyon ng Tsina, kung walang modernisasyong agrikultural, samantalang ang teknolohiya at talento ay susi sa pagsasakatuparan ng modernisasyon ng pagsasaka at kanayunan.
Winika ito ni Xi sa kanyang tugon sa isang liham ng mga presidente at dalubhasa mula sa mahigit 50 kolehiyong agrikultural, sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac