|
||||||||
|
||
Nitong Sabado, Setyembre 7, 2019, ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe sa kanyang Zimbabwean counterpart na si Emmerson Mnangagwa bilang pakikiramay sa pagpanaw ni dating Presidenteng Robert Mugabe ng bansang ito.
Sa ngalan ng pamahalaan, mga mamamayang Tsino, at kanyang sarili, ipinahayag ni Xi ang kanyang lubos na pakikidalamhati sa pagyao ni Mugabe, at ang taos-pusong pakikiramay sa pamahalaan, mga mamamayan, at kamag-anakan ng yumaong dating Zimbabwean president.
Sinabi ni Xi na ang pagpanaw ni Mugabe ay napakalaking pinsala sa mga mamamayang Zimbabwean. Aniya, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang tradisyonal na pagkakaibigang Sino-Zimbabwean, at nakahanda itong magsikap kasama ng Zimbabwe para patuloy na mapalawak at mapalalim ang kooperasyon ng dalawang panig sa iba't-ibang larangan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |