|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ni Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya, opisyal na dadalaw sa Rusya si Premiyer Li Keqiang ng Tsina mula ika-16 hanggang ika-18 ng buwang ito, at idaraos din ang Ika-24 na Regular na Pagtatagpo ng mga PM ng Tsina at Rusya sa panahong iyon.
Ipinahayag Setyembre 9, 2019, ni Le Yucheng, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang naturang pagdalaw ay isa pang mahalagang pagpapalitan ng Tsina at Rusya sa mataas na antas pagkatapos ng pagdalaw sa Rusya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina noong Hunyo ng taong ito. Tiyak na pasusulungin ng pagdalaw na ito ang pagsasakatuparan ng komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa at isasakatuparan ang pagpapataas ng aktuwal na kooperasyon ng dalawang panig sa bagong era.
Ipinahayag ni Le na bilang pangunahing plataporma ng pagpapsulong ng komprehensibong aktuwal na kooperasyon at pagpapalitang kultural ng Tsina at Rusya, regular na pagtatagpo, tiyak na lalo pang palalalimin ang pinagsamang interes ng dalawang bansa. Sa susunod na dalawang taon, idaraos ng Tsina at Rusya ang Taon ng Inobasyong Pangsiyansiya at Pangteknolohiya. Itinakda na ng mga lider ng dalawang bansa ang pag-aabot sa target na 200 bilyong dolyares na bilateral na halaga sa taong 2024.
Binigyan-diin ni Le na sa pamamagitan ng regular na pagtatagpo, ipapadala ng dalawang panig ang kuru-kuro ng Tsina at Rusya hinggil sa pagpapabuti ng pagsasaayos sa daigdig, pangangalaga sa multilateralismo, pagkatig sa trade at investment liberalization, pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig, at iba pang isyu.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |