|
||||||||
|
||
Ipinalalagay ng Tsina na ang pagpapataw ng Amerika ng presyur ay pundamental na dahilan ng kasalukuyang mahigpit na kalagayan ng isyung nuklear ng Iran. Ipinahayag ito Setyembre 9, 2019, sa regular na preskong idinaos dito sa Beijing, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ipinatalastas kamakailan ng tagapagsalita ng Atomic Energy Organization of Iran na sa ikatlong yugto, babawasan ng Iran ang kongkretong hakbangin sa pagsasakatuparan ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA). Binigyan-diin din nitong dapat aktuwal na isakatuparan ng Europa ang obligasyon ng pagsasakatuparan ng JCPOA. Sa medyasyon hinggil sa JCPOA, kung matatamo ang progreso, panunumbalikin sa anumang sandal ng Iran ang pagpapatupad ng kasunduang ito.
Hinggil dito, ipinahayag ni Hua na dapat itakwil ng Amerika ang mga maling aksyon na tulad ng sangsyon at pagpapataw ng presyur sa Iran. Kasabay nito, dapat magsikap ang iba't ibang panig para mabisang isakatuparan ang JCPOA.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |