Tinukoy Setyembre 10, 2019, ng Tagapagsalita ng Tanggapan ng Komisyon ng Ministring Panlabas ng Tsina sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na hindi pinapansin ng ilang kinauukulang pulitikong Amerikano ang katotohanan at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandagidig, at nakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina. Luboas na walang-kasiyahan dito ang Tsina at buong lakas na tinututulan ito.
Tinukoy ng tagapagsalita na sapul nang bumalik sa inang bayan, aktuwal na isinasaktuparan ang "Isang Bansa, Dalawang Sistema", lubos ding iginagarantiya ang iba't ibang karapatan ng mga taga-Hong Kong. Kailangang paghiwalayin ang mapayapang demonstrasyon at karahasan. Dapat isagawa ang mahigpit na pagpuksa sa karahasan.
Binigyan-diin ng tagapagsalita na ang pakikialam sa suliraning panloob ng ibang bansa ay grabeng makapipinsala sa komong interes ng iba't ibang bansa ng daigdig. hindi pinahihintulutan ng Tsina ang pakikialam ng anumang puwersang dayuhan sa mga suliranin ng Hong Kong at Tsina.
Salin:Sarah