Hinikayat ng Tsina, tulad ng dati, ang pamumuhunan ng mga kompanyang dayuhan sa Tsina, na maging bahagi ng pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Tsina. Sinabi ito Setyembre 10, 2019, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, bilang tugon sa pahayag ni Timothy Stratford, Puno ng American Chamber of Commerce in China, na nagsasabing ang kompiyansa ng mga miyembro nito sa pagbubukas ng pamilihan ng Tsina ay umabot sa pinakamataas na punto sa kasaysayan.
Binigyan-diin din ni Hua na ayon sa isang survey na inilabas ng U.S.-China Business Council, ipinahayag ng 97% kinapanayama na kompanyang Amerikano na ang Tsina ay isa sa mga pinakamahalagang pamilihan ng mga kompanyang Amerikano.
Salin:Sarah