Mainam ang operasyon ng pamilihang komersyal, sistema ng bangko, at Linked Exchange Rate System ng Hong Kong nitong ilang buwang nakalipas. Sinabi ito ni Carrie Lam, punong ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), sa kanyang talumpati na binigkas sa seremoniya noong Setyembre 10, 2019, na idinaos ng sirkulong komersyal ng Hong Kong bilang pagdiriwang sa Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ngRepublika ng Bayan ng Tsina.
Ipinahayag rin ni Paul Chan, Puno ng Departamentong Pinansyal ng Hong Kong na patuloy na aktibong pauunlarin ng pamahalaan ng Hong Kong ang kabuhayan.
Salin:Sarah