Isiniwalat kahapon, Huwebes, ika-12 ng Setyembre 2019, ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sinimulang itanong ng mga kompanyang Tsino ang hinggil sa presyo ng mga produktong agrikultural ng Amerika na gaya ng soybean at karne ng baboy, para panumbalikin ang pag-aangkat ng mga ito.
Ipinahayag din ni Gao ang pag-asang positibong pakikitunguhan ng Tsina at Amerika ang pagsisikap ng isa't isa, at isasagawa ang mga aktuwal na aksyon, upang lumikha ng mabuting kondisyon para sa kanilang pagsasanggunian.
Salin: Liu Kai