Ayon sa ulat ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma at Ministri ng Komersyo ng Tsina, dahil sa desisyon ng Amerika na ipagpaliban ang pagpataw ng karagdagang taripa sa mga panindang Tsino na nakatakdang isagawa sa unang araw ng darating na Oktubre, positibo ang panig Tsino sa pag-aangkat ng mga kompanya ng bansa ng mga produktong agrikultural ng Amerika na gaya ng soybean at karne ng baboy.
Kaugnay nito, ipinahayag naman kahapon, Huwebes, ika-12 ng Setyembre 2019, ng Customs Tariff Commission ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ilakip ang naturang mga produkto sa listahan ng mga produktong Amerikano na di-papatawan ng karagdagang taripa.
Ipinahayag din ng panig Tsino ang pag-asang tutupdin ng panig Amerikano ang pangako, upang lumikha ng mabuting kondisyon para sa kooperasyon ng dalawang bansa sa agrikultura.
Salin: Liu Kai