|
||||||||
|
||
Ipinalabas ng China Media Group (CMG) ang komentaryo na pinamagatang "Inobasyon: bagong powerhouse para sa kabuhayang Tsino."
Tinukoy ng artikulo na, lumilipat ang kabuhayang Tsino patungo sa kalagayan ng "new normal" at mabilis nap ag-ahon ng bagong kabuhayan. Ito ang opinyong nakasaad sa ulat na magkakasamang ipinalabas Setyembre 17, 2019 ng World Bank (WB), Sentro ng Pananaliksik sa Pag-unlad ng Konseho ng Estado ng Tsina, at Ministri ng Pananalapi ng Tsina.
Ayon sa pinakahuling estadistika, umabot sa 270.3 ang new kinetic energy index ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, na lumaki nang 28.7% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon. Anang artikulo, ito ay dahil sa patakaran at hakbangin ng pamahalaang Tsino na kinabibilangan ng paggigiit ng inobasyon, lubos na paggamit ng puwersa ng pamilihan, pagpapasigla ng pananaliksik ng mga kompanya at iba pa.
Binigyan-diin ng artikulo na sa paligid ng pagkakataon ng bagong round ng rebolusyong teknolohikal, sa harap ng hamon ng unilateralismo at proteksyonismo, buong tatag na nakikisangkot ang Tsina sa kabuhayang pandaigdig, mas matatag na pinapasulong ang estratehiya ng pag-unlad at inobasyon, walang humpay na pinapalakas ang kinetic energy, at patuloy na kinukuha ang puwersang tagapagpasulong para sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino sa mataas na kalidad.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |