Miyerkules, Setyembre 25, 2019, pormal na naisaoperasyon ang Beijing Daxing International Airport. Kasama ng Beijing Capital International Airport, puspusang itatatag ng dalawang paliparan ang sistemang pantransportasyong may maalwang pagtakbo at mabisang pag-organisa. Ang mga ito ay modernong tulay ng abiyasyong pandaigdig na konektado sa buong daigdig.
Matatagpuan ang Beijing Daxing International Airport sa distritong Daxing ng Beijing at lunsod Langfang ng probinsyang Hebei ng Tsina. Abot sa 450 bilyong dolyares ang kabuuang gastos nito. Sumasaklaw ang mga biyahe nito sa 112 destinasyon sa buong mundo.
Salin: Lito