Ang Setyembre 25, 2019 ay ika-70 anibersaryo ng mapayapang paglalaya ng Rehiyong Autonomong Uighur ng Xinjiang. Maraming bunga ang natamo ng Xijiang nitong nakaraang 70 taon, at pinapurihan ito ng mga kilalang dayuhan na pumunta sa Xijiang. Ang mga hakbangin laban sa terorismo na isinagawa ng Xinjiang ay angkop sa batas ng Tsina, ito rin ay komong ideya na itinaguyod ng buong komunidad ng daigdig. hindi maaaring itanggi ang naitamong kasaganaan at pag-unlad ng Xinjiang.
Binatikos nina Pangalawang Pangulong Mike Pence ng Amerika at Kalihim ng Estado Mike Pompeo at iba pang pulitiko ng Amerika ang patakaran ng Tsina sa paglaban sa terorismo at relihiyon sa Xinjiang. Buong tatag na binatikos ito ni Wang Yi, Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina at Ministrong Panlabas. Nitong 3 taong nakalipas, walang anumang insidente ng terorismo sa Xinjiang. Ayon sa estadistika, may mahigit 28 libong lugar na panrelihiyon at may 30 libong tauhang panrelihiyon sa Xinjiang. At sa karaniwan, 530 muslim ang nagmamay-ari ng isang mosque, na mas mataas kumpara sa mga bansang Muslim.
Salin:Sarah