|
||||||||
|
||
Idaraos Oktubre 1, 2019, sa Tian'anmen Square, ang maringal na anniversary parade, na magpapakita ng mga bunga ng reporma ng Tsina at pakikilahok ng bansa sa mga misyong pamayapa ng UN.
Sinabi ni Xu Youze, opisyal ng hukbong panlupa ng Tsina at puno ng pormasyon ng tropang pamayapa sa seremonya, na bilang kauna-unahang palabas ng tropang pamayapang Tsino sa parade, ipapakita nito ang "pandaigdigang estilo na may katangiang Tsino."
Sa paanyaya ng Unitede Nations (UN), sumali ang Tsina sa misyong pamayapa mula noong 1990. Ngayon, ang Tsina ay naging pangunahing bansa sa Peace Forces ng UN.
Di-tulad ng "Bagong Mukha," parade ng pamayapa, ang mga sibiliyan ng Tsina ay sumali sa parade sapul noong taong 1951. Sinabi ni Shi Lianxue, Puno ng pormasyon ng sibilyan na ang lahat na tao dito ay mayroong komong mithiin na magpakita ng pagmamahal sa inang bayan.
Mula noong kauna-unahang seremonya bilang pagdiriwang ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) hanggang ngayon, ang pagtugtog ng musika sa parade ng Military Band of the Chinese Peoples's Liberation Army na isinakatuparan na ng 15 beses. Isinalaysay ni Zhang Haifeng, Puno ng Military Band ng PLA na sa seremonya ng taong ito, magiging pinakamalaki ang saklaw ng banda.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |