|
||||||||
|
||
Tinukoy ng white paper na ang kasalukuyang daigdig ay nasa yugto ng pagbabago. Iniharap ng Tsina ang bagong landas ng pag-unlad para sa buong sangkatauhan na tulad ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan. Nanawagan ang white paper na dapat magkaisa ang iba't ibang bansa para magkakasamang itatag ang mas magandang daigdig.
Tinukoy ng white paper na sa mula't mula pa'y, iginigiit ng Tsina ang kooperasyon at win-win situation at magkakasamang pag-unlad. Ang Tsina ay laging nagbibigay-ambag para sa kapayapaan at pag-unlad ng daigdig.
Sa kasalukuyan, pumasok din sa bagong panahon ang pag-unlad ng Tsina. Tinukoy ng white paper na hindi mababago ang kapasiyahan ng Tsina sa pagpapatupad ng sosyalismong may katangiang Tsino at sa pakikipagkooperasyon sa ibang bansa. Sa hinaharap, magiging mas bukas ang Tsina para magdulot ng mas maraming kasaganaan para sa Tsina at daigdig.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |