|
||||||||
|
||
Sa seremonya ng paggagawad ng pambansang medalya at titulong pandangal ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), magkakahiwalay na ginarawan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, ng "Medalya ng Republika," "Medalya ng Pagkakaibigan," at "Pambansang Titulong Pandangal" ang 42 personaheng Tsino at dayuhan.
Sa kanyang talumpati, ipinaabot ni Pangulong Xi ang mataas na respeto sa nasabing mga personahe. Sinabi niyang layon ng pagbibigay-galang sa mga bayani sa pinakamataas na lebel na palaganapin ang kanilang mabuting kusang-loob na kinabibilangan ng katapatan, pagpupunyagi at pagkamapagkumbaba.
Sa nasabing okasyon, nakuha ng anim na kaibigang dayuhan ang "Friendship Medal" — pinakamataas na medalyang pandangal ng Tsina para sa labas ng bansa. Sila ay nagmula sa Cuba, Thailand, Tanzania, Rusya, Pransya, at Kanada. Sila'y nakakapagbigay ng napakalaking ambag para sa konstruksyon ng modernisasyon ng Tsina, at pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at mga dayuhang bansa.
Sa seremonya ng paggagawad, nagpahayag si Xi ng taos-pusong pasasalamat sa mga ginawaran ng "Friendship Medal." Ipinahayag niya ang kahandaan ng mga mamamayang Tsino na magsikap kasama ng mga mamamayan ng iba't-ibang bansa sa daigdig upang mapasulong ang pagtatatag ng Komunidad ng Komong Kapalaran ng Buong Sangkatauhan.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Maha Chakri Sirindhorn, Prinsesa ng Thailand, na nagpupunyagi sila para hanapin ang kapayapaan, kaligayahan, at tagumpay ng mga mamamayan ng iba't-ibang bansa sa daigdig.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |