|
||||||||
|
||
Sina Zhao Jianhua, Embahador na Tsino sa Pilipinas; Carlos Dominguez III, Kalihim ng Pinansya ng Pilipinas; Deng Jun, Puno ng sangay ng Bank of China sa Manila; Zhou Li, sangay ng China Daily sa Asya-Pasipiko.
Ang larawang "In Harmony with Nature " na magkakasamang iginuhit ng mga artista ng Tsina at Pilipinas
Mga bisita sa eksbisyon
Idinaos Setyembre 28, 2019, sa Metropolitan Museum of Manila, ang aktibidad ng pagpapalitang pangkultura at pag-arte ng Tsina at Pilipinas na pinamagatang "In Harmony with Nature."
Ang naturang aktibidad ay magkakasamang itinaguyod ng sangay ng Bank of China sa Manila, sangay ng China Daily sa Asya-Pasipiko, Metropolitan Museum of Manila at Chinese Culture and Art Association Limited. Layon nitong pasulungin ang pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng eksibisyon ng mga gawang sining. Kalahok dito ang 10 artista mula sa Tsina at Pilipinas.
Bukod dito, dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang mahigit 200 personahe na kinabibilangan nina Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas; Carlos Domingues III, Kalihim ng Pinansya ng Pilipinas; at iba pang tauhan mula sa iba't ibang sirkulo ng dalawang bansa. Magkasamang iginuhit ng mga artista ng Tsina at Pilipinas ang larawang "In Harmony with Nature, " at ipinadala ito sa museo ng Bangko Sentral ng Pilipinas bilang regalo.
Sinabi ni Johnamar Salvosa, artista ng Pilipinas, na sa pamamagitan ng aktibidad na ito, naging mas malalim ang pagkaunawa niya sa sining pag-arte ng Tsina.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |