Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maringal na selebrasyon sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, idinaos; Pangulong Tsino, bumigkas ng mahalagang talumpati

(GMT+08:00) 2019-10-01 11:52:41       CRI

Martes ng umaga, Oktubre 1, 2019, idinaos sa Tian'anmen Square, Beijing ang maringal na selebrasyon at parada para sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC).

Bumigkas dito ng mahalagang talumpati si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng CPC; at naglakabay-suri rin siya sa parade ng mga tropa. Ipinagdiinan niya na nitong 70 taong nakalipas, bunga ng magkakasamang pagpupunyagi ng mga mamamayang Tsino, natamo ng Tsina ang dakilang tagumpay.

Sa pamamagitan ng 70 taong pag-unlad, ang Tsina ay naging ikalawang pinakamalaking kabuhayan ng daigdig, pinakamalaking bansa ng kalakalan, pinakamalaking bansang may pinakamaraming reserba ng salaping dayuhan, at ikalawang pinakamalaking bansang may pinakamalaking puhunan sa ibayong dagat. Kasabay nito, ang karaniwang edad ng mga Tsino ay umaabot sa 77 taong gulang sa taong 2018. Ito'y mula sa 35 taong gulang noong 1949.

Sa talumpati, tinukoy ni Pangulong Xi na nitong nakaraang 70 taon, naitatag ang Republika ng Bayan ng Tsina na lubusang bumago sa miserableng kalagayan ng bansa, na inapakan at hiniya ng iba sa mahigit isang daang taon, matapos pumasok ang makabagong panahon. Ani Xi, tinahak ng Tsina ang landas tungo sa pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino.

Ipinagdiinan niya na sa proseso ng pagsulong ng Tsina, dapat igiit ang pamumuno ng CPC, pangunahing katayuan ng mga mamamayan, at landas ng sosyalismong may katangiang Tsino. Dagdag pa niya, dapat ding komprehensibong tupdin ang pundamental na teorya, ruta, at patakaran ng CPC para walang humpay na tugunan ang hangarin ng mga mamamayan sa magandang pamumuhay at likhain ang bagong dakilang usaping historikal.

Ipinagdiinan din ng pangulong Tsino na ang pananangan ng bansa sa mga prinsipyo ng "Mapayapang Reunipikasyon, at Isang Bansa Dalawang Sistema," para mapasulong ang pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng mga Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong at Macao, at mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits. Nanawagan siya sa sambayanang Tsino na patuloy na magsikap para maisakatuparan ang reunipikasyon ng Tsina.

Ipinaghayag pa niyang ang nakaraan ng Tsina ay naitala na sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang kasalukuyan ay nililikha ngayon ng lahat ng mga mamamayang Tsino, at ang kinabukasan ng bansa ay tiyak na magiging mas maganda. Nanawagan din si Xi sa sambayanang Tsino, mula sa iba't ibang sektor na mas mahigpit na magbuklod para walang humpay na pasulungin ang pambansang kaunlaran at isakatuparan ang pangarap na reunipikasyon ng nasyong Tsino.

Salin: Jade/Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>