Nitong 70 taong nakalipas sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, natamo ng bansa ang mga kapansin-pansing bunga sa aspekto ng komunikasyon at transportasyon. Halimbawa, nasa unang puwesto sa daigdig ang kabuuang haba ng mga pinatatakbong high-speed railway, kabuuang haba ng mga pinatatakbong haywey, kapwa bolyum ng mga cargo at container na inihatid sa mga puwerto, at bilang ng mga paketeng inihatid sa pamamagitan ng express delivery.
Samantala, ang mga high-speed train, high-power locomotive, malaking eroplanong pampasahero, at ibang mga kagamitang pangkomunikasyon at pangtransportasyong ginawa ng Tsina ay nakakaabot sa maunlad na lebel ng daigdig. Itinayo rin ng bansa ang mga napakalaki at napakahirap na proyektong pangkomunikasyon at pangtransportasyon, na gaya ng Hong Kong-Zhuhai-Macao Bridge at Beijing Daxing International Airport.
Ang pagpapaunlad ng komunikasyon at transportasyon ay laging isa sa mga priyoridad ng pagpapasulong ng kabuhayan at lipunan ng Tsina. May isang kilalang kasabihang Tsino, na nagsasabing kung gustong maging mayaman, dapat ilatag muna ang mga lansangan. Sa ilalim ng mga patakaran at hakbangin ng pamahalaang Tsino, nagaganap ang makasaysayang pagbabago sa aspekto ng komunikasyon at transportasyon ng bansa. Ang malayang paggalaw ng mga tao at paninda ay malaking nagpapasulong naman ng lipunan at kabuhayan ng Tsina.
Salin: Liu Kai