Kinakaharap sa kasalukuyan ng buong daigdig ang walang katulad na hamon, sa kaayusang pulitikal at pangkabuhayan, na lumitaw pagkatapos ng World War II. Pesimistiko ang mga tao sa kinabukasan ng buong mundo. Sapul nang pinaghahari ang pulitika ng kasalukuyang pamahalaan, buong lakas na pinaialaganap ng Amerika ang "Amerika First," inilunsad ang trade war at pinapasulong ang proteksyonismo, na nagdulot ng walang humpay na pagpapalaki ng pagkakaiba sa pagitan ng mga bansang kanluran.
Ngayon, ang buong daigdig ay nasa yugto ng pagbabago: ang pagbagsak ng lumang kaayusan at ang pagtatatag ng bagong kaayusan. Kasabay ng pagharap ng panganib at hamon, dapat mayroon ding kompiyansa sa kinabukasan ang iba't ibang bansa. Dapat mananangan sa diwa ng multilateralismo, igiit ang diyalogo at pagsasanggunian, para hanapin ang bagong paraan ng pagsasakatuparan ng pag-unlad na may mutuwal na kapakinabangan.
Salin:Sarah