Sa bisperas ng kanyang dalaw-pang-estado sa Nepal, inilabas Biyernes, Oktubre 11, 2019 sa tatlong pahayagan ng Nepal ang may lagdang artikulo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na pinamagatang "Toward Greater Progress of China-Nepal Friendship across the Himalayas."
Ang nasabing tatlong pahayagan ay kinabibilangan ng Gorkhapatra Daily, Rising Nepal at Kantipur Daily.
Anang artikulo, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Nepal noong 1955, sa mula't mula pa'y gumagalang, nagtitiwala at kumakatig sa isa't isa ang dalawang bansa. Ang Tsina at Nepal ay hindi lamang magkaibigang may paggagalangan at pagtitiwalaan, at partner na may mutuwal na kapakinabangan, kundi kapitbansa ring natututo sa isa't isa, at kapatid na tumutulong sa isa't isa.
Diin ni Xi, dapat palalimin ng dalawang bansa ang estratehikong pag-uugnayan, palawakin ang pragmatikong kooperasyon, palakihin ang pagpapalitang kultural, at palakasin ang kooperasyong panseguridad, para magkasamang likhain ang magandang kinabukasan.
Salin: Vera