Ipinahayag ngayong araw sa Chennai ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat aktuwal na pataasin ang lebel ng kooperasyong militar ng Tsina at India para magkasamang mapangalagaan ang kaligtasan at katatagan ng rehiyong ito. Tinukoy niya na dapat pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng mga tropa ng dalawang bansa sa tumpak na direksyon ng pangkaibigang kooperasyon, isagawa ang mga aktibidad na pangkooperasyong tulad ng magkasamang pagsasanay, para pabutihin ang pagtitiwalaan ng mga tropa ng dalawang bansa at palakasin ang kooperasyon ng mga departamentong panseguridad.
Salin:Sarah