|
||||||||
|
||
Sa Indya, unang stop ng biyaheng ito, idinaos ni Xi, kasama ni Punong Ministro Narendra Modi ng Indya, ang kanilang ika-2 di-pormal na pagtatagpo. Pagkatapos, isinagawa naman niya ang dalaw-pang-estado sa Nepal.
Bago umalis si Xi ng Kathmandu, kabisera ng Nepal, inihandog ni Pangulong Bidya Devi Bhandari ng bansang ito ang maringal na seremonya ng pagpapaalam para sa kanya. Lumahok din sa seremonya sina Pangalawang Pangulong Nanda Bahadur Pun, Punong Ministro Khadga Prasad Sharma Oli, Tagapangulo Ganesh Prasad Timilsina ng Pambansang Asembleya, at mga mataas na opisyal ng gabinete at panig militar ng Nepal.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |