Ipinahayag kahapon, Linggo, ika-13 ng Oktubre 2019, ng tagapagsalita ng Tanggapan ng Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong, na nakatatawa ang sinabi ni Senador Ted Cruz ng Amerika na wala siyang nakitang karahasan ng mga protestador sa Hong Kong.
Sinabi ng nabanggit na tagapagsalita, na ang kalayaan sa pagsasalita ay dapat igalang, pero ang mga pananalita ay dapat nakabatay sa katotohanan. Aniya, nitong ilang buwang nakalipas, nakikita sa mga ulat ng media ang mga iba't ibang uri ng karahasang ginawa ng mga protestador, lalung-lalo na ng mga nakamaskarang rioter, na gaya ng pagsira sa mga pasilidad na pampubliko at tindahan, panununog, paghagis ng mga molotov bomb, pag-atake sa mga pulis at karaniwang mamamayan, at iba pa.
Dagdag ng tagapagsalita, sa harap ng lumalalang karahasan sa Hong Kong, hindi dapat isagawa ng mga pulitikong dayuhan ang mga di-responsable at walang habas na pagbatikos sa Hong Kong, at hindi rin dapat ipahayag ang pagkatig at pagkilala sa karahasan sa pamamagitan ng iba't ibang paraan.
Salin: Liu Kai