Ayon sa White Paper sa Kaligtasan ng Pagkain na inilabas Oktubre 4, 2019, naging mas bukas ngayong ang pamilihan ng pagkain sa Tsina.
Naging mas malawak at mas malalim din ang kooperasyon ng mga bahay-kalakal na dayuhan sa pamilihan ng pagkain sa Tsina, na naging mahalagang puwersang tagapagpasulong ng pag-unlad ng industriya ng pagkain ng Tsina batay sa White Paper. Sa paunang kondisyon ng paggarantiya ng kaligtasan ng pagkain, mataimtim na susundin ng Tsina ang tadhana ng World Trade Orgnization (WTO) at isasakatuparan ang may kinalamang pangako, at aktibong ibabahagi ng Tsina sa buong daigidg ang napakalaking pamilihan ng pagkain.
Salin:Sarah