|
||||||||
|
||
Ipinasiya ng Tsina na sa pamamagitan ng pagsususog ng mga kaukulang regulasyon, ibayo pang buksan ang industriya ng seguro at pagbabangko para sa mga dayuhang mamumuhunan.
Pinirmahan kamakailan ng Konseho ng Estado ng Tsina ang pagsususog sa mga regulasyon tungkol sa foreign-invested insurance at banking firms.
Kabilang sa mga binagong patakaran ay pagpapalakas ng superbisyon sa mga lokal na sangay ng mga bangkong dayuhan, pagpapataas ng lebel ng limitasyon sa pagtatatag ng mga kompanya, katayuan ng mga shareholder, at pagpapalawak ng mga kaukulang negosyo.
Nitong ilang taong nakalipas, pinapalakas ng Tsina ang pagsisikap nito para mabigyang-ginhawa ang market access ng mga dayuhang mamumuhunan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |