|
||||||||
|
||
Inihatid ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa pagdaraos ng 2019 China Marine Economy Expo (CMEE), at masiglang tinanggap ang mga kalahok mula sa iba't bang bansa.
Tinukoy ni Xi sa kanyang mensahe na bilang mahalagang estratehikong lugar, ang dagat ay may malaking katuturan para sa pag-unlad ng buong sangkatauhan. Dapat pahalagahan at paunlarin ang industriyang pandagat sa iba't ibang larangan.
Ang 2019 CMEE na may temang "Sharing Blue Economy Opportunities and Building a Shared Future" ay umakit ng mahigit 450 bahay-kalakal mula sa buong daigdig. Ginaganap ito sa Shenzhen, lalawigang Guangdong.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |