|
||||||||
|
||
Sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), nagkaloob nitong Martes, Oktubre 15, ang ika-11 Panchen Lama na si Bainqen Erdini Qoigyijabu ng pintang Thangka, tradisyonal na sining ng mga Tibetano, sa pamahalaang sentral ng Tsina. Makikita sa nasabing pinta ang pagbibigay ni Panchen Lama kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng isang hada scarf.
Sa pamamagitan nito, ipinahayag ni Panchen Lama ang pagmamahal sa inang-bayan. Ipinahayag din niya ang patuloy na pagbibigay-ambag para mapangalagaan ang pagkakaisa ng iba't ibang lahi ng bansa at katatagan ng Tibet.
Sa pangalan ng pamahalaang Tsino at ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, tinanggap ang pinta ni Deng Xuexiang, miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Salin: Jade
Pulido: Mac
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |