|
||||||||
|
||
Ipinalabas Oktubre 14, 2019 ng Tsina ang White Paper sa Seguridad ng Pagkain na lalo pang magpapaliwanag ng estratehiya ng Tsina sa kaligtasan ng pagkain, at lubos na nagpapakita ng positibong ambag na ibinigay ng Tsina para mapangalagaan ang seguridad ng pagkain ng buong daigdig at pasulungin ang magkakasamang pag-unlad ng komunidad ng daigdig.
Ang Tsina ay mayroong 1.4 bilyong populasyon, pero, ito'y hindi naging banta sa seguridad ng pagkain ng daigdig. Taliwas dito, lumikha ang Tsina ng himala: igarantiya ang seguridad ng pagkain ng isang bansa na may pinakamalaking populasyon sa dagidig. Ang dahilan ng pagtatamo ng Tsina ng naturang grabeng bunga ay pagtatahak sa landas na may katangiang Tsino.
Kasabay ng paggarantiyan ng pag-unlad ng sariling bansa, walang humpay na pinapalakas ng Tsina ang pagbubukas sa labas at pandaigdigang kooperasyon, na nagbibigay ng positibong ambag para sa seguridad ng pagkain ng buong daigdig.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |