Ayon sa estadistika na ipinalabas Oktubre 15, 2019, ng National Bureau of Statistics ng Tsina, noong Setyembre ng taong ito, lumaki nang 3% ang Consumer Price Index (CPI) ng Tsina kumpara sa gayung din panahon ng tinalikdang taon, na naging pinakamataas na punto ng taong ito. Bumaba nang 1.2% ang Producer Price Index (PPI) kumpara sa gayung din panahon ng tinalikdang taon. Ipinahayag ng mga dalubhasang pangkabuhayang Tsino na sa hinaharap, magiging mas matatag ang CPI at PPI ng Tsina.
Salin:Sarah