|
||||||||
|
||
Nagtagpo Oktubre 15, 2019, sa Chongqing, Tsina, sina Han Zheng, Pangalawang Premyer ng Tsina, at kanyang counterpart na si Heng Swee Keat ng Singapore. Magkasamang nangulo sila ng Ika-15 Pulong ng Joint Council for Bilateral Cooperation (JCBC) ng Tsina at Singapore; Ika-20 Pulong ng Joint Coordinating Council for China-Singapore Suzhou Industrial Park Development Group Co. Ltd; Ika-11 Pulong ng Joint Steering Council for Sino-Singapore Tianjin Eco-City; at Ika-3 Pulong ng Joint Coordinating Council for China-Singapore (Chongqing) Demonstration Initiative on Strategic Connectivity.
Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Han Zheng na, mainam ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Singapore. Narating ng mga lider ng dalawang bansa ang mga mahalagang komong palagay. Dapat walang humpay na isakatuparan ng dalawang panig ang aktuwal na kooperasyon sa iba't ibang larangan, at masiglang tinatatanggap ng Tsina ang Singapore na sumali sa proseso ng reporma at pagbubukas sa Tsina. Sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, dapat magkooperasyon ang Tsina at Singapore para labanan ang unilateralismo at proteksyonismo, at mapangalagaan ang sistemang pandaigdig na nasa nukleo ang United Nations.
Binati ni Heng Swee Keat ang Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, at pinapurihan ang kahanga-hangang bunga na natamo ng Tsina. Nakahanda aniya ang Singapore na magsikap, kasama ng Tsina, para pasulungin ang kooperasyon ng dalawang panig at magkasamang harapin ang hamon ng daigdig.
Magkasamang lumahok sina Han at Heng sa seremonya ng paglalagda ng serye ng mga dokumento na kabilang sa larangan ng pagpapalitan ng dalawang bansa, inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya, smart city, intellectual property at iba pa.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |