|
||||||||
|
||
Nag-usap sa telepono Oktubre 15, 2019 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Emmanuel Macron, Pangulo ng Pransya.
Pinasalamatan ni Pangulong Xi ang mensaheng pambati na ipinadala ni Pangulong Macron para sa Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Binigyan-diin ni Xi na ang taong ito ay ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya. Walang humpay na pinagtitibay ang pagtitiwalaang pulitikal sa isa't isa ng dalawang panig, at natamo ang mga bagong bunga ng aktuwal na kooperasyon sa iba;t ibang larangan. Nakahanda aniya ang Tsina na panatilihin ang pakikipagkooperasyon sa Pransya para magkasamang mapangalagaan ang multilateralismo, labanan ang unilateralismo, at harapin ang hamong pandaigdig. Aktibong kinakatigan ng Tsina ang Pransya sa pagdaraos ng ikalawang Paris Peace Forum, at masiglang tinatanggap ng Tsina ang paglahok ng Pransya sa Ikalawang China International Import Expo (CIIE), bilang guest country of honor.
Ipinahayag naman ni Pangulong Macron na mahigpit ang relasyon ng Tsina at Pransya. Ang dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi sa Pransya noong Marso ng taong ito ay nagpapasulong ng pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Pransya. Sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, ang pagpapanatili ng Tsina at Pransya ng estratehikong koordinasyon ay may mahalagang katuturan.
Nagpalitan din ang mga lider ng dalawang bansa ng palagay hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |