![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Idinaos Oktubre 16, 2019, dito sa Beijing, ang First World Science and Technology Development Forum, na may temang "Siyensiya, Teknolohiya, at Pag-unlad," na nilahukan ng mahigit 400 dalubhasa at ibang may kinalamang tauhan mula sa 18 bansa at rehiyon.
Ipinahayag sa porum ni Wan Gang, Pangalawang Puno ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC)at Pangulo ng China Association for Science and Technology (CAST), na ang magkakasamang pagpapalalim ng pandaigdigang kooperasyon at pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad sa pamamagitan ng inobasyon ng siyensiya at teknolohiya, ay pangkagipitang pangangailangan ng paglulutas ng mga problemang pandaigdig, ito rin ay angkop sa bagong mithiin ng mga mamamayan sa buong mundo.
Ipinahayag ni Bai Chunli, Puno ng Chinese Academy of Sciences (CAS), na walang humpay na pinapabilis ng CAS ang sariling kakayahan, at aktibong nakikisangkot din ito sa kooperasyon ng international na inobasyong pansiyesiya't pangteknolohiya.
Isinalaysay ni Li Xiaohong, Puno ng Chinese Academy of Engineering (CAE) na, itinatag na ng CAE ang pakikipag-ugnayan sa mga engineering academy ng mahigit 40 bansa, at isinagawa na ang mahigpit na pakikipagkooperasyon sa 32 sa kahabaan ng Belt and Road (BR).
Ipinahayag ni Daya Reddy, Pangulo ng International Council for Science (ICSU), na dapat magkakaisa ang sirkulong pansiyensiya ng buong mundo para sa magkakasamang pag-unlad, at ang porum na ito ay mabuting plataporma ng pagpapalitan at pagtutulungan.
Wan Gang, Pangalawang Puno ng CPPCC at Pangulo ng CAST
Bai Chunli, Puno ng CAS
Li Xiaohong, Puno ng CAE
Daya Reddy, Pangulo ng ICSU
World Science and Technology Development Forum
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |