|
||||||||
|
||
Winika ito ni Li sa kanyang pakikipagtagpo nitong Huwebes, Oktubre 17, sa Beijing, sa delegasyong pang-negosyo na pinangungunahan ni Evan Greenberg, Tagapangulo ng U.S.-China Business Council (USCBC).
Dagdag pa ni Li, ganap na binuksan ng Tsina ang industriya ng paggawa, at yugtu-yugtong binubuksan ngayon ang industriya ng serbisyo. Ipinahayag din niya ang paghanga at pasasalamat sa konstruktibong papel na ginaganap ng USCBC sa pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungang Sino-Amerikano para sa komong kasaganaan. Itinatag ang USCBC bago pa man itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina't Amerika.
Ipinahayag naman ng mga delegadong Amerikano na angkop sa komong interes ang kooperasyong Sino-Amerikano. Anila pa, umaasa ang iba't ibang samahang pangnegosyo ng Amerika, na tulad ng kanilang konseho, na maipagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan sa Tsina. Ayaw nilang makitang maghiwalay ang dalawang bansa, o magkaroon ng digmaang pangkalakalan. Umaasa rin anila silang sasamantalahin ng Tsina't Amerika ang pagkakataon para marating ang kasunduang magtataglay ng masusing nilalaman, sa pamamagitan ng diyalogo. Bunga nito, ang mga bahay-kalakal mula sa Tsina't Amerika ay magsasagawa ng malusog na kompetisyon at magtatamo ng komong kaunlaran sa pantay at tiyak na kapaligiran.
Salin: Jade
Pulido: Mac
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |