Binuksan kagabi, Biyernes, ika-18 ng Oktubre 2019, sa Wuhan, lunsod sa gitna ng Tsina, ang Ika-7 Military World Games. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Xi Jinping, Pangulong Tsino, at ipinatalastas niya ang pagsisimula ng palaro.
Ito ang kauna-unahang pagdaraos sa Tsina ng naturang palarong may kasaysayan ng 24 na taon. Halos 10 libong kawal mula sa 109 na bansa ang magpapaligsahan sa 329 na event ng kasalukuyang palaro. Ang kapwa bilang ng mga kalahok at mga event ay pinakamalaki sa kasaysayan ng Military World Games.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Herve Piccirillo, Pangulo ng International Military Sports Council, na ikinagagalak niyang gaanong kalaki ang bilang ng mga kalahok sa kasalukuyang palaro.
Sa kanya namang video message, sinabi ni Thomas Bach, Pangulo ng International Olympic Committee, na ang Tsina ay kahanga-hangang punong abala ng palarong ito, na magiging lubos na matagumpay.