Ipinalaganap kamakailan ni Peter Navarro, Puno ng National Trade Council ng Amerika ang kasinungalingan para atakehin ang Tsina. Hinggil dito, ilang iskolar ay nagsabing walang dignidad at kahiya-hiya ang pananalita ni Navarro.
Ngayon, umiiral pa rin ang ideya ng "Cold War" sa loob ng Amerika. Ginagamit ito ng ilang pulitikong Amerikano at ipinapalaganap ang di-umano'y "banta mula sa Tsina." Ang aksyon at pananalitang ni Navarro ay hindi lamang nakasira sa kapakanan ng mga mamamayan ng Tsina at Amerika, kundi hadlang din sa kapayapaan at pag-unlad ng buong daigdig.
Salin:Sarah