|
||||||||
|
||
Solemnang pinabulaanan Oktubre 22, 2019, ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), ang di-totoong pananalita ng ilang bansa tungo sa Tsina.Kinondena rin ni Zhang ang pakikialam ng mga bansang ito sa mga suliraning panloob ng Tsina sa ilalim ng di-umano'y isyu ng karapatang pantao.
Ipinahayag ito ni Zhang sa talumpati na ibinigay niya sa 3rd Committee ng Ika-74 na United Nations General Assembly. Sinabi niya na buong lakas na tinututulan ng Tsina ang aksyon ng ilang bansa na kinabibilangan ng Amerika sa pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Aniya pa, natamo ng Tsina ang malalaking bunga na kilala sa buong daigdig. Masaya at malaya aniya ang buhay ng mga mamamayang Tsino, at ito ang pinakamalaking "proyekto ng karapatang pantao." Dapat agarang itigil ng ilang bansa ang pagsasapulitika ng isyu ng karapatang pantao at pakikialaman sa mga suliraning panloob ng Tsina, para bumalik sa tumpak na paraan ang diyalogo at kooperasyon sa lalong mdaling panahon.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |