Sa news briefing na idinaos Oktubre 22, 2019, dito sa Beijing, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na para sa dalawang malalaking bansa na Tsina at Amerika na mayroong malalim na pag-uugnayang pangkabuahayan, hindi rasonable at hindi realistiko ang paghihiwalay.
Ipinahayag Oktubre 21, 2019 ni U.S. Deputy Assistant Secretary of Defense Chad Sbragia, sa kanyang paglahok sa Beijing Xiangshan Forum, na hindi maghihiwalay ang Tsina at Amerika, pero muling ibabalanse ang relasyon ng dalawang bansa. Bilang tugon, sinabi ni Hua na ang paghiwalay sa Tsina ay paghiwalay sa pagkakataon. Walang humpay aniyang pinapalawak ng Tsina ang pagbubukas sa lahat na kinabibilangan ng Amerika sa Tsina, ito ay angkop sa interes ng dalawang bansa at buong daigdig.
Salin:Sarah