Nitong Lunes, local time, Oktubre 21, 2019, idinaos ng Ika-3 Komisyon ng Ika-74 na Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) ang diyalogo sa special rapporteur sa isyu ng karapatan ng minoryang grupo. Kaugnay ng walang batayang pagbatikos ng Amerika sa karapatang kultural sa Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina, tinukoy ni Liu Hua, Epsesyal na Kinatawan ng Ministring Panlabas ng Tsina sa mga Suliranin ng Karapatang Pantao, na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang paggagalugad, pagmamana at pangangalaga sa tradisyonal na kultura ng iba't ibang lahi ng Xinjiang.
Aniya, sa kasalukuyan, ginagamit ng iba't ibang lahi sa Xinjiang, pangunahing na, ang 10 lengguwahe at titik, at malawakang ginagamit ang mga lengguwahe ng etnikong grupo sa mga larangang gaya ng hudikatura, administrasyon, edukasyon, pagbabalita at paglalathala, radyo at telebisyon, internet, mga suliraning pampubliko ng lipunan at iba pa. Dagdag ni Liu, ang pagsasagawa ng "dalawang lengguwaheng edukasyon" ay hindi nakatuon sa anumang lahi. Aniya, sa halip na pagpapahina ng katayuan ng lengguwahe ng mga etnikong grupo, makakabuti ito sa pagpapalakas ng pagpapalitan ng iba't ibang nasyonalidad, at pagpapasulong ng pagkakaisa ng nasyon.
Salin: Vera