|
||||||||
|
||
Pinanguluhan Oktubre 23, 2019, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, ang pirmihang lupo ng Konseho ng Estado ng bansa.
Binigyan-diin sa pulong na dapat lalo pang patatagin ang kalakalang panlabas, pataasin ang pagluluwas at pag-aangkat, pabutihin ang pamamahala sa foreign exchange, at pasulungin ang pagiging mas maginhawa ng transnasyonal na pamumuhunan.
Tinukoy sa pulong na sa taong ito, aktibong kinakaharap ng mga kinauukulang departamento ang pagbabago ng kapaligirang panlabas. Ayon pa rito, matatag sa kabuuan ang operasyon ng kalakalang panlabas. Kinumpirma sa pulong na dapat patuloy na isakatuparan at pabutihin ang iba't ibang kinauukulang patakaran, at panatilihin ang katatagan ng exchange rate ng RMB sa balanseng lebel at rasonableng reserba. Ito ay lalo pang mapalawak ang pagbubukas sa labas.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |