|
||||||||
|
||
Idaraos mula Ika-5 ng hanggang Ika-10 ng Nobyambre, 2019, sa Shanghai ang Ikalawang China International Import Expo (CIIE). Itinayo sa ika-2 CIIE ang 7 seksyon ng tanghalan na kinabibilangan ng kalakalan ng serbisyo, sasakyang de motor, pasilidad, medisina, pagkain at produktong agricultural at iba pa.
Bukod dito, kumpara sa unang CIIE, idinaragdag sa ika-2 CIIE ang usapin ng serbisyo para sa mga matatanda, at iba pang bagong tema, na umakit ng maraming kompanyang dayuhan. Hinggil dito, ipinahayag ni Joaquin Duato, Pangalawang Pangulo ng Executive Council ng Johnson&Johnson, na ginawa ng kompanya ang mga proyekto ng inobasyon at ibang balangkas para sa pamilihang Tsino. Ipinahayag din ni Lan Zhenzhen, Pangalawang Pangulo ng L'ORÉAL ng Pransya na inaasahan niyang sa ikalawang CIIE, mahahanap ang kalutasan para sa mga pamilihan at kompanya na isakatuparan ang globalisasyon at win-win situation.
Samantala, isiniwalat ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na umakit ng mahigit 3,000 kompanya mula sa mahigit 150 bansa at rehiyon ang Ika-2 CIIE.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |