|
||||||||
|
||
Dumating Oktubre 27, 2019, ng Yangon, Myanmar, ang kauna-unahang eroplano mula sa Mangshi ng lalawigang Yunnan, Tsina. Ito ang ika-25 linyang panghimpapawid sa pagitan ng Tsina at Myanmar, sapul nang isinagawa ng Myanmar ang preferential na patakaran ng visa sa mga turistang Tsino noong unang araw ng Oktubre ng 2018. Nauna rito, 8 lamang ay direktang linyang panghimpapawid lang sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon pa sa ulat, lumaki ng mahigit 150% ang mga turistang Tsino sa Myanmar nitong 1 taong nakalipas. Ngayon, ang mga turistang Tsino ay ang pinakamarami sa Myanmar.
Sa kasalukuyan, mayroong nang direktang flight sa tatlong lunsod ng Myanmar, tulad ngYanggon, Naypyitaw at Mandalay, at lumanpas sa 130 ang direktang flight ng dalawang bansa bawat linggo.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |