Sa bisperas ng kanyang opisyal na pagdalaw sa Uzbekistan at pagdalo sa ika-18 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Pamahalaan ng mga Kasaping Bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), inilabas ngayong araw, Huwebes, ika-31 ng Oktubre 2019, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang artikulong may pamagat na "Pagpapasulong ng Pagbubukas at Pagtutulungan para sa Komong Pag-unlad."
Ipinahayag ni Li ang pag-asang, batay sa ideya ng pagbubukas, palalalimin ng Tsina at Uzbekistan ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, para pabilisin ang sariling pag-unlad, at palakasin ang bilateral na relasyon.
Sinabi rin ni Li, na ang pagtatatag ng bukas at inklusibong plataporma ng pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation ay pangunahing paksa sa gagawing pulong ng SCO. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng iba pang mga kasaping bansa ng SCO, na igiit ang pagbubukas, para isakatuparan ang komong pag-unlad.
Salin: Liu Kai