Ipinahayag nitong Huwebes, Oktubre 31 ng Tsina ang pagtutol sa ibinalitang plano ng Amerika na ilagay ang mga land-based medium-range missile sa Asya-Pasipiko.
Sa regular na preskon, sinabi ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang-bansa ng Tsina na ang nasabing plano ng Amerika ay makakapinsala sa interes ng mga bansang Asya-Pasipiko. Hinding hindi ito pahihintulutan ng Tsina, diin ni Wu.
Nitong Agosto, ipinahayag ni Mark Esper, Kalihim ng Depensa ng Amerika ang plano ng bansa na i-deploy ang land-based medium-range missile sa Asya-Pasipiko. Kasabay nito, opisyal na umurong ang Amerika sa Intermediate-range Nuclear Forces Treaty, kasunduan ng pagkontrol sa armas na nilagdaan sa pagitan ng Amerika't dating Soviet Union noong 1987. Ayon sa nasabing kasunduan, dapat alisin ng Amerika't Soviet Union ang kanilang land-based ballistic missiles na may range sa pagitan ng 500 kilometro at 5,500 kilometro.
Salin: Jade
Pulido: Rhio