|
||||||||
|
||
Pormal na isinagawa nitong Huwebes, Oktubre 31, 2019 ng pamahalaan ng India ang Jammu and Kashmir Reorganisation Act, at binuo ang "Union Territory of Jammu and Kashmir" at "Union Territory of Ladakh." Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang matinding kawalang kasiyahan at buong tatag na pagtutol dito ng panig Tsino.
Aniya, ilegal at walang bisa ang kilos ng panig Indian na humahamon sa soberanya, karapatan at kapakanan ng Tsina, sa pamamagitan ng unilateral na pagsusog sa batas na panloob at paghahati ng rehiyong adminsitratibo. Hindi mababago ng hakbang na ito ang katotohanang sumasailalim sa aktuwal na pagkontrol ng Tsina ang kaukulang rehiyon, at hindi rin ito magkakabisa, dagdag ni Geng.
Hinimok ni Geng ang panig Indian na totoong igalang ang teritoryo at soberanya ng Tsina, sundin ang kaukulang kasunduang narating ng kapuwa panig, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng purok-hanggahan ng dalawang bansa, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |