|
||||||||
|
||
Lalawigang Nonthaburi, Thailand—Binuksan ito nitong Linggo, Nobyembre 3, 2019 ang Ika-35 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at serye ng mga pulong ng kooperasyon ng Silangang Asya. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang mga lider ng 10 bansang ASEAN at 8 dialogue partner ng ASEAN. Ang tema ng kasalukuyang summit ay "Pagpapasulong ng Partnership para sa Sustenabilidad." Tinatalakay ng mga kalahok ang mga paksang gaya ng konstruksyon ng ASEAN Community, sustenableng pag-unlad, pagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng mga dialogue partner at iba pa.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Prayut Chan-o-cha, Punong Ministro ng Thailand, kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN, na dapat isagawa ng mga bansang ASEAN ang komong aksyon, para itatag ang ASEAN Community na may pagpapauna ng mga mamamayan, pagtanaw sa kinabukasan, at komong progreso.
Dagdag niya, ang suporta sa loob at labas ng ASEAN ay di-maihihiwalay na bahagi ng sustenableng pag-unlad ng ASEAN, kaya dapat palakasin ang kooperasyon sa mga dialogue partner, para itatag ang mapayapa, matatag at masaganang ASEAN.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |