Ipininid nitong Lunes, Nobyembre 4, 2019 sa Bangkok, Thailand ang Ika-35 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at serye ng mga summit ng kooperasyon ng Silangang Asya.
Nagkaroon ang iba't ibang bansang ASEAN at mga dialogue partner nito ng maraming bunga hinggil sa mga paksang gaya ng magkakasamang pagharap sa mga hamon, pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad, pagpapasulong sa rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan at iba pa. Ito ay nakapagpatingkad ng bagong lakas-panulak para sa paglikha ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon sa mas mataas na antas, at pagpapasulong sa kooperasyon ng Silangang Asya.
Salin: Vera