Ngayong umaga, sa Tuen Mun ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hongkong (HKSAR), nasugatan ng kutsilyo si Junius Ho, isang miyembro ng Legislative Council ng HK. Mahigpit na kinondena ng tagapagsalita ng HKSAR ang atakeng ito. Inaresto na ng pulisya ng HK ang isang pinaghihinalaang lalaki.
Ipinahayag ng tagapagsalita na dapat ipahayag ng mga mamamayan ang palagay sa mapayapang at makatuwirang paraan. Hinding hindi mapapahintulutan ng pamahalaan ng HKSAR ang anumang karahasan, at patuloy na solemnang ipapatupad ng pulisya ang batas para igarantiya ang kapayapaan ng lipunan.
Salin:Sarah