|
||||||||
|
||
Ipinagdiinan nitong Miyerkules, Nobyembre 6, 2019 sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, dapat palakasin ng Tsina at Pransya ang estratehikong pag-uugnayan, at isabalikat ang mas maraming responsibilidad bilang dalawang malaking bansa.
Winika ito ni Xi sa kanyang pormal na pakikipag-usap nang araw ring iyon sa kanyang French counterpart na si Emmanuel Macron.
Magkasamang inilabas ng kapuwa panig ang plano ng aksyon ng relasyong Sino-Pranses at mungkahi ng Tsina at Pransya tungkol sa pangangalaga sa biological diversity at pagbabago ng kalima. Nilagdaan din nila ang mga dokumentong pangkooperasyon sa mga larangang gaya ng abiyasyon at kalawakan, enerhiyang nuklear, pamanang kultural, agrikultura, industriya, pangangalaga sa kalikasan, pinansya, trilateral na kooperasyon at iba pa.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |