|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ng pamahalaang Tsino, dumalaw sa Shanghai Nobyembre 5 at 6, 2019, si Jurin Laksanawisit, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand at Ministro ng Komersyo, para lumahok sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 China International Import Expo (CIIE). Nang kapanayamin ng mamamahayag ng China Media Gourp (CMG), ipinahayag ni Jurin na ang Tsina ay hindi malalaking bansa ng pagpoprodyus at pagluluwas, ito ring malalaking bansa ng pag-aangkat.
Ayon sa salaysay, 46 na kompanya ng Thailand ay lumalahok sa CIIE. Ipinahayag ng mga kalahok na kompanya na ang CIIE ay nagkakaloob ng plataporma para sa pagpasok ng mga paninda ng Thailand sa pamilihang Tsino.
Nananalig ang Thailand na ang CIIE ay maaaring lumikha ng mas marami at mas malaking pandaigdigang pamilihan para sa mga kumpanya ng Thailand. Higit sa lahat, ang kooperasyon ng mga kompanya ng Tsina at Thailand ay makakatulong sa pagbabawas ng kapinsalaan dahil sa tariff barrier na dulot ng Amerika sa Thailand.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |