|
||||||||
|
||
Mahigit na kinondena Nobyembre 7, 2019, ni Xu Luying, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga suliraning ng Hongkong and Macao, ang pag-atake kay Junius Ho, miyembro ng Legislative Council ng HK at kanditado ng ika-6 na halalan ng district board. Nanawagan si Xu na dapat parusahan ang karahasan ayon sa batas.
Ipinahayag ni Xu na hinding hindi mapapahintulutan ng anumang lipunan ang karahasan. Umaasa siyang ipapatupad ng departementong pambatas ng HK ang responsibilidad ng pagtigil ng pagtitigil ng karahasan, at lalo pang magkakaisa ang mga taga-HK para mapangalagaan ang positibong enerhiya. Dapat isagawa ang halalan ng HK sa pantay-pantay, makatuwiran, ligtas at maayos na kapaligiran.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |